Gilas Pilipinas, lumipat na ng training camp sa Spain mula Miami

Lumipat na mula sa Miami, Florida ang Gilas Pilipinas patungo ng Vitoria, isang three-hour car ride mula sa Madrid, Spain.

Sa Vitoria, nakatakdang magdaos ang koponan ng ilang serye ng tune-up games bago ang FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 30, para sa kanilang training camp.

Ang Vitoria ay isang sports hub at triathlon haven na may tatlong basket­ball arenas, dalawang private at dalawang public sports clubs at 15 multi-sport centers.

Ayon kay Gilas Team Manager Aboy Castro, isang tune-up sa Canada ang pinaplantsa para sa biyernes sa Lugo, Spain.

Nakatakdang sumali ang Gilas sa Pocket Tournament sa Antibes, France sa Agosto 15-17 na idaraos sa 5,500-seat na Azur Arena.

Speak Your Mind

*