Gov. Espino, inihayag ang pagtakbo ni Pogi’ Espino III sa pagka Gobernador sa 2016 Election

Pormal ng inihayag ni Pangasinan Gov. Amado t. Espino Jr. na binigyan na niya ng basbas ang kanyang anak na si Board Member Amado ‘Pogi’ Espino III, na tumakbo sa pagkagobernador sa 2016 election.

Si Pogi Espino ay kasalukuyang Presidente ng Liga ng mga Barangay ng Pangasinan at Ex-officio Board Member ng probinsya, at naging alkalde ng tatlong magkakasunod na termino sa bayan ng Bautista Pangasinan.

Sa panayam ng sonshineradio kay Governor Espino, sinabi ng Gobernador na naniniwala siyang kayang ipagpatuloy ng kanyang anak ang mga programang kanyang ginagawa para sa lalawigan.

Ganunpaman, tulad aniya ng palagi niyang sinasabi, masyado pa umanong maaga para pag-usapan ang pulitika at mas mabuting umahin muna ang trabaho.

Speak Your Mind

*