Governor Espino, tuluyan ng kumalas sa Nationalist People’s Coalition

Tuluyan ng kumalas bilang myembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Governor Amado T. Espino, Jr. matapos maghain ng irrevocable resignation sa tanggapan ni NPC President Georgidi Aggabao noong Lunes Agosto a-kwatro.

Kasamang nagbitiw ni Espino ang kanyang kapatid na si Bautista Mayor Amadeo T. Espino, at ang kanyang dalawang anak na sina Bugallon Mayor Jumel Anthony I. Espino at Board Member Amado “Pogi” I. Espino, III.

Ayon sa sulat ni Gov. Espino, hindi umano naaayon at wala sa lugar na ianunsyo ang kanilang political preferences, o maging bahagi sa anumang aktibidad ng partido dahil malayo pa ang 2016 Election.

Minabuti na lang umano ng mga Espino na kumalas sa NPC, dahil sa magkakaiba na ang kanilang mga pananaw lalo na sa mga ginagawa ngayon ng NPC na mga Partisan activities.

Ganunpaman, pinasalamatan ng mga Espino ang mga valuable support at patnubay ng NPC sa panahon ng kanilang pagiging myembro ng partido.

Speak Your Mind

*