Housing project ng Provincial Government, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang mga Housing project ng Provincial Government ng Pangasinan para sa relocation ng mga illegal settlers sa lalawigan.

Ayon kay Engr. Alvin Bigay, Hepe ng Provincial Urban Housing and Development Council, nasa 65 percent na ang elevation ng pagtatayuan ng resettlement areas sa bahagi ng Pangapisan, Lingayen.

Sinabi ni Bigay, mahalaga na unahin ang pagpapataas sa lugar bago simulan ng proyekto alinsunod sa requirement ng DENR para matiyak na ligtas sa peligro ng pagbaha.

Mapalad naman aniya ang mga residente na naninirahan malapit sa mga river bank dahil sila ang prayoridad ng naturang proyekto.

Samantala, nagpapatuloy na rin aniya ang negosasyon ng probinsya sa pamunuan ng Home Development Mutual Fund o Pag-ibig Fund para sa Phase 2 ng Villa Maniboc Socialized Housing Project para sa mahigit isandaang empleyado ng probinsya para masimulan ng proyekto.

Speak Your Mind

*