Ilang kompanya ng langis, nagpatupad ng oil price rollback

Nagbaba ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis epektibo kaninang hatinggabi.

Umabot sa 40-sentimos kada litro ang ini-rollback ng Pilipinas Shell, Petron, Chevron at Seaoil sa kanilang diesel.

Habang 35-sentimos kada litro naman ang kanilang ibinaba sa halaga ng kerosene.

Samantalang magbababa ang Phoenix Petroleum ng presyo ng kanilang diesel ng 45-sentimos kada litro epektibo alas-sais ngayong umaga.

Samantala, wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina.

Speak Your Mind

*