Iran at Iraq, inuga ng malakas na lindol

Inuga ng sunud-sunod na malalakas na lindol ang ilang lugar sa mga bansang Iran at Iraq na nagresulta sa pagguho ng ilang gusali at establisimiyento.

Ayon sa Us Geological Survey, naitala ang malakas na lindol sa magnitude 6.3 na ang sentro ng pagyanig ay ma­lapit sa lalawigan ng Dezful.

May lalim itong 10 kilometro sa timog-silangan ng lungsod ng Abdanan sa nasabing bansa.

Sinasabing may anim na katao ang unang iniulat na nasaktan dahil sa lakas ng intensity ng lindol na naramdaman din sa Iraqi boarder at ‘di kalayuan sa Iranian Oil Exploration at Production Facilities.

Speak Your Mind

*