JM De Guzman, itinanggi na si Jessy Mendiola ang dahilan ng pagkalulong sa droga

Direktang inamin ni JM De Guzman na ang pagkalulong sa droga at pagpasok niya sa rehabilitation center ang totoong dahilan kung bakit mahigit isang taon siyang nawala sa showbiz.

Kuwento pa ni JM na siya mismo ang nakiusap sa kanyang ama na ipasok siya sa rehabilitation dahil mentally hindi na siya nakakapag-isip ng diretso,  at hindi na niya mapagkatiwalaan ang kanyang mga desisyon

Itinanggi naman ng “Angelito” actor na walang kinalaman ang paghihiwalay nila noon ni Jessy Mendiola sa paggamt niya ng droga, sa katunayan ito pa daw ang isa sa dahilan kung bakit nauwi sa wala ang kanilang relasyon.

Samantala, nalalapit na ang kanyang showbiz comeback, at nagpapasalamat naman ang actor sa Kapamilya Network dahil hindi aniya lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.

Speak Your Mind

*