Kaso ng dengue sa bayan ng Calasiao, bumaba ngayong taon

Bumaba na ang naitalang dengue cases sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.

Base sa tala ng Municipal Health Office o MHO Calasiao, mula sa dating record na mahigit limampu noong nakaraang taon ay umabot na lamang ito sa labin walo ngayong taon.

Ganunpaman, sinabi ni Dr. Jesus De Vera, ang MHO Officer ng Calasiao na patuloy parin silang nakaantabay sa mga programa upang matuloy na mapababa ang kaso lalo’t panahon ngayon ng tag-ulan.

Kabilang na aniya rito ang patuloy na pag-papaalala sa mga magulang na maging alerto sa sakit na dengue kung saan hinihikayat nila ang mga ito na ugaliin na agad mapatingin sa health center kung nakitaan ang kanilang anak ng sintomas ng sakit na dengue.

Speak Your Mind

*