KBP Pangasinan Chapter, kaisa sa Simultaneous Oplan Broadcastreeing

Kaisa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter sa gaganaping Simultaneous Oplan Broadcastreeing ng KBP sa buong bansa bukas, Agosto a-trenta.

Ang KBP Pangasinan Chapter sa pangunguna ni Jay Mendoza ay magsasagawa ng Tree Planting Activity at Coastal Clean Up Drive sa Tondaligan Area, umpisa ala-sais ng umaga.

Ang nabanggit na aktibidad ay bilang tugon sa nararamdamang pabago-bagong panahon sanhi ng Global Warming at ang patuloy na pangangalaga sa inang kalikasan.

Katuwang ng KBP Pangasinan Chapter sa pagtataguyod ng Oplan Broadcastreeing 2014 ang Dagupan City Government, Department of Environment and Natural Resources o DENR, Department of Interior and Local Government o DILG.

Gayundin ang iba pang sangay ng pamahalaan, mga unibersidad at kolehiyo sa lalawigan, at ang mga AM at FM Radio Stations.

Speak Your Mind

*