Line up ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup, inilabas na

Pinangalanan na ang final 12 na opisyal na miyembro ng Gilas Pilipinas National Basketball Team na lalahok sa 2014 FIBA Basketball World Cup na isasagawa sa bansang Spain.

Pasok na sa line-up sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, Jeff Chan, Gabe Norwood, Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Kabilang din sa pinili ni Head Coach Chot Reyes sina Gary David, June Mar Fajardo at si Marc Pingris.

Pinakaunang pinangalanan ni Coach Chot sa team ay sina Paul Lee at ang NBA Naturalized Player na si Andray Blatche.

Samantala, hindi naman mapapabilang sa World Cup bagamat kasa-kasama sa training camp hanggang Spain sina Jared Dillinger, Beau Belga, Jay Washington at isa pang Naturalized Player na si Marcus Douthit.

Speak Your Mind

*