Livelihood program ng BJMP Dagupan, nakapagbibigay ng income sa mga inmates

Patuloy na pinapalakas ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan ang mga Developmental Activities para sa mga inmates upang maging produktibo ang buhay ng mga ito sa loob ng kulungan.

Sinabi ni Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing, kabilang sa mandato ng BJMP na mabigyang serbisyo ang mga inmates kagaya ng pagsasagawa ng mga livelihood, education, religious, at recreational activities.

Malaki aniya ang naitutulong ng mga ito sa buhay ng mga inmates lalo na ang livelihood activities dahil sa pamamagitan aniya ng basket making, paper mache making, candle making, t-shirt printing at food processing ay nakapag-bibigay pa sila sa kanilang pamilya.

Sinabi pa ni Bid-ing na layunin din ng inisyatibong ito na madala ang mga inmates ang kaalamang kanilang nakuha sa loob ng kulungan sa kanilang paglaya tungo sa pagbabagong buhay.

Speak Your Mind

*