Marian at Dingdong, magiging super-busy bago ang kanilang royal wedding

Excited na ang mga pinoy fans sa nakatokang #Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes pero bago pa man sila magpakasal ay sankaterbang projects pa ang naghihintay sa kanila.

Nagsimula nang mag-shooting sina Marian Rivera at Vic Sotto para sa pelikulang Bossing Series na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Bukod dito, sisimulan na rin ni Marian sa September ang movie niya sa Regal films, with Derek Ramsay as leading man at Direk Mike Tuviera bilang direktor.

Si Dingdong ay may entry rin sa MMFF, ang Kubot, The Aswang Chronicles at tulad ni Marian, tatapusin din naman ni Dingdong ang movie niya sa Viva Films with Anne Curtis and Direk Ruel Bayani.

Speak Your Mind

*