Mga estudyante na sumailalim sa SPES program ng DOLE, matatanggap na ang kanilang honorarium

Matatanggap na ng mga sumailalim sa Special Program for Employment of  Students o SPES ng Department of Labor and Employment o DOLE ang kanilang honorarium.

Kinumpirma ni DOLE Dagupan Field Head Engracio Bailon na nasa kanilang opisina na ang 763 SPES cheques at 459 sa mga ito ang pwede na nilang i-release.

Payo naman nito sa mga SPES beneficiaries na hindi pa nakapagbigay ng kanilang Employment Termination Report o E-T-R na isumite na ito sa kanilang opisina upang makuha na rin nila ang kanilang tseke.

Ang E-T-R ang magpapatunay na talagang nagtrabaho ang mga estudyante.

Nauna rito ay natanggap na ng mga SPES beneficiaries ang animnapung porsiyentong counterpart ng kanilang private o government employer, habang ang apatnapung porsiyento naman ay magmumula sa DOLE.

Speak Your Mind

*