Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Magro-rollback ang Flying V ng 90-sentimos kada litro sa kanilang gasolina habang 40-sentimos kada litro naman ang itataas sa kanilang diesel.

Umaabot naman sa 75-sentimos kada litro ang ibababa ng Petron, Chevron, Shell at Seaoil sa presyo ng kanilang gasolina.

Habang 35-sentimos kada litro naman ang idadagdag sa ng presyo ng kanilang diesel at 25-sentimos kada litro sa presyo ng kerosene.

Ang Phoenix Petroleum ay magtatapyas din ng 75-sentimos kada litro sa gasolina habang tataas naman ng 35-sentimos kada litro sa kanilang diesel.

Speak Your Mind

*