Mga magsasakang nagtapos sa Agrarian Reform Training, pinarangalan

Pinangunahan ni Governor Amado T. Espino jr., ang pagpaparangal sa mga magsasakang nagtapos ng agrarian reform Training, bilang bahagi ng Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services Project ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 1, na ginanap sa bayan ng Binalonan Pangasinan.

Ang nasabing proyekto ay layuning mapalakas ang mga benepisaryo sa pamamagitan ng pagtatag ng support service sa komunidad at ito’y inaasahang maging daan para mapataas ang kita ng bawat magsasaka.

Nakapaloob sa proyektong ito ang pagbibigay ng Common Service Facilities for Production and Processing, Agri-Technology and Agri-Extension Services, Business Development Services, Credit Facilitation at Land Tenure Improvement.

Suportado naman ito ni Gov. Espino, kung saan marami na ang mga programang pang-agrikultura ang kasalukuyang ipinapatupad ng Provincial Government na nakakatulong sa mga mahihirap na magsasaka.

Speak Your Mind

*