Mitigation program, matagal na umanong naihanda ng CDRRMC Dagupan

Bago pa man umano dumating ang panahon ng tag-ulan, may isinasagawa ng Mitigation project ang City Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Dagupan.

Ito ang inihayag ni CDRRMC Officer Ronald De Guzman sa panayan ng sonshineradio, kung saan ang mga hakbang na ito ang ginawa ng ahensya upang mapigilan ang mga pagbaha sa lungsod.

Kabilang na aniya rito ang pagsasagawa ng river dredging operation, clean up drive mula sa canal, creek, coastal area at river bank, clearing operation sa mga illegal structure sa mga kailugan kasama na ang pag-aalis ng mga illgal fishpen, at ang tree planting activities.

Kasabay nito, sinabi rin ni De Guzman, na kasama din sa kanilang tinututukan ang disaster preparedness plan bilang paghahanda sa posibleng pagbaha at pagtama ng bagyo.

Speak Your Mind

*