One Stop Shop, inilunsad ng DOLE at iba pang ahensya para sa mga OFW’s

Nagsanib puwersa na ang mga tanggapan ng gobyerno upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga itinuturing na bayani ng bagong henerasyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment o DOLE District Officer Engracio Bailon ng Central Pangasinan.

Dahil aniya sa balik manggagawa inilunsad ng ahensya ang ‘One Stop Shop” sa tanggapan ng DOLE sa lungsod ng Dagupan bukas tuwing araw ng Miyerkules katuwang ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philhealth, at Pag-ibig.

Sinabi naman ni Bailon na nagpapatuloy ang pagbibigay ng Financial Relief Assistance Program o TRAP at  Welfare Employment Livelihood and Legal Assistant o Assist Well Program sa mga OFW’s umuuwi mula Libya.

Speak Your Mind

*