Pag-atake sa isang paaralan sa Gaza, tinawag na gawang-kriminal ng United Nations

Itinuturing na gawang-kriminal ang pag-atake ng mga militante sa isang paaralan sa Gaza kung saan nasawi ang sampung katao!

Ayon kay United Nations Secretary General Ban Ki-Moon, ang ginawang hakbang mga militante ay malinaw na paglabag sa umiiral na International law.

Maliban diyan ay kinondena rin ng Estados Unidos ang pag-atake ng Palestinian Militant Group na Hamas!

Matatandaan na nauna nang sinabi ng Hamas na ginagantihan lang nila ang opensiba ng Israeli Military na matagumpay na nawasak ang mga underground tunnels ng mga militante!

Speak Your Mind

*