Pagbibitiw ni Gov. Espino, ikinalungkot ng NPC, pero nirerespeto umano ang naging desisyon

Bagamat nalulungkot, nirerespeto umano ng Nationalist People’s Coalition o NPC ang pagbibitiw ni Governor Amado T. Espino, Jr. kasama ang kanyang kapatid na si Bautista Mayor Amadeo T. Espino, at ang kanyang dalawang anak na sina Bugallon Mayor Jumel Anthony I. Espino at Board Member Amado “Pogi” I. Espino, III.

Ayon kay SINAG at Abono Partylist Founding Chairman Engr. Rosendo So, tagapagsalita din ng NPC sa Pangasinan, mas mabuti ang ginawang hakbang ni Gov. Espino dahil idineklara na rin naman nito ang planong pagtakbo ni BM Espino sa pagkagobernador sa 2016 Election.

Sinabi naman ni Engr. So na bagamat nalulungkot ang NPC sa ginawang pag-iwan ni Governor Espino sa partido ay wala naman umano silang magagawa kundi tanggapin ito.

Speak Your Mind

*