Paggamit ng Material Recovery Facility, mahigpit ng ipapatupad ng DENR Region 1

Mandatory na umanong ipapatupad ng Department on Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakaroon at paggamit ng     Material Recovery Facility o MRF sa mga piling Local Government Unit na una nang nakipagkasundo sa DENR noong nakaraang taon.

Kabilang rito sa Region 1 ang syudad ng Batac, Bacarra Ilocos Norte, at bayan ng Tayug, Pangasinan.

Batay umano sa kasunduan sa DENR, sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau o EMB, at ng mga LGU’s, dapat umanong ipatupad hanggang sa mga baranggay ang paghihiwalay ng mga basura kung ito ay nabubulok o hindi nabubulok gamit ang kanilang MRF.

Inatasan din ang mga lokal na pamahalaan na gawing pataba sa pamamagitan ng composting ang mahigit limangpung porsyento sa mga hindi mabubulok na maaaring pagsuporta sa National Greening Program ng DENR.

Speak Your Mind

*