Pagsasanib puwersa ni Mark Cojuangco at Mark Roy Macanlalay sa pagtakbo sa 2016 Eleksyon, pormal ng idineklara

Pormal na ang pagsasanib puwersa ni dating Congressman Mark Cojuangco at Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay sa pagtakbo bilang Gobernador at Bise Gobernador sa lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng partidong National Peoples Coalition o NPC.

Sa isinagawang presscon sinabi ni Cojuangco na hindi madali ang naging desisyon sa pagpili ng kanyang magiging Bise Gobernador kaya’t dumaan pa siya sa maraming konsultasyon.

Pero ayon kay Cojuangco, nasa kanya ang huling pagpapasya at si Mayor Macanlalay ang napisil niyang maging Bise Gobernador dahil nakita niya rito ang mga katangiang kanyang hinahanap.

Buo aniya ang tiwala ni Cojuangco kay Macanlalay dahil nakita niya rito ang malaking sakripisyo na iiwan ang posisyon bilang alkalde matulungan lang ang kampanya ng partido sa probinsya.

Speak Your Mind

*