Paul George, matagumpay ang isinagawang surgery…, 18 buwang hindi makakapaglaro

Matagumpay ang isinagawang surgery kay Indiana Pacers All-Star Paul George para sa kanyang nabaling kanang binti.

Ang 6-foot-9 na si George ay inaasahang mananatili sa ospital ng tatlong araw at ayon sa mga doctor ay aabutin ng 18 buwan bago ang full recovery ni George.

Nabali ang kanang binti ni George sa intra-squad scrim­mage ng U.S. National team noong Biyernes kung saan tinangka niyang supalpalin ang fast-break lay-up ni James Harden.

Sa kanyang pagbagsak ay tumama ang kanyang kanang binti sa backboard stanchion.

Si George ay kasama sa training pool ng Team USA na sasabak sa FIBA-World Cup sa Spain.

Speak Your Mind

*