PESO Pangasinan, patuloy ang paglaban sa illegal recruiter

Patuloy pa rin ang mahigpit na ginagawang kampanya ng PESO sa lalawigan laban sa mga illegal recruiter.

Pinayuhan ni PESO Chief Alex Ferrer ang mga Pangasinense na huwag dapat maengganyo sa pangako ng recruiter na mabilis na deployment at malaking sweldo.

Dagdag nito na kahit magpapakita ng credentials o ID ang recruiter  kung sa barangay naman ito pumupunta ay masasabing ilegal ang kanyang operasyon.

Ayon pa kay Ferrer, ang legal na recruitment agency ay hindi direktang pumupunta sa mga barangay kundi nag-rerecruit ito sa pagdaan sa kanilang opisina.

Magugunitang noong nakaraang taon ay lumabas sa datos ng POEA na nanguna sa rehiyon uno at pang-apat sa buong bansa ang Pangasinan sa kaso ng illegal recruitment.

Speak Your Mind

*