Presyo ng gulay sa Bagsakan Market sa Urdaneta, tumaas

Bahagya ng tumaas ang presyo ng gulay sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta, dahil sa sunod-sunod na pag-ulan na nararanasan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni Peter Bergonio ang City Agriculturist ng Urdaneta bunsod narin umano ng “Low supply and demand”.

Partikular aniya rito ang pagtaas ng presyo ng mga lowland vegetable tulad ng mga talong, amplaya, at sitaw na apektado ang taniman ng mga pagbaha.

Tiniyak naman ni Bergonio na sapat pa naman ang suplay ng mga gulay sa merkado at patuloy rin ang kanilang isinasagawang monitoring upang hindi maloko ng mga traders ang mamimili.

Samantala, inihayag naman nito na mas mababa ang presyo ng mga highland vegetable dahil hindi masyadong apektado ang mga ito sa sama ng panahon.

Speak Your Mind

*