Serye ng Special Recruitment Activities sa Pangasinan, pangungunahan ng DOLE Region1

Kasado na ang serye ng Special Recruitment Activities sa lalawigan ng Pangasinan na pangungunahan ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Nakatakda ang recruitment sa Agosto 25-26 sa lungsod ng Alaminos; Agosto 28 sa Public Employment Service Office sa bayan ng Manaoag; at sa Setyembre 4 sa Public Employment Service Office sa bayan ng Bani.

Ayon kay Grace Ursua, Direktor DOLE Region 1, sinang-ayunan ng Philippine Overseas Employment Administration ang mga job order ng isang lokal na recruitment agency para sa iba’t ibang trabaho na pang-agrikultura at pang-konstruksyon sa bansang Japan.

Ani Ursua, ang ilan sa mga aprubadong job orders ay mga sumusunod: cultivation farmers, dairy workers, vegetable farmers, food processing workers, fish processing workers, tillers, welders, metal press workers, carpenters, frame workers, water proofers, construction molders at scaffolders.

Pinapaalalahanan ang mga aplikante na dalhin ang kanilang mga resume, transcript of records, diplomas, employment at training certificates, 2” by 2” pictures at iba pang kinakailangang dokumento.

Speak Your Mind

*