SINAG, inihayag na walang shortage sa suplay ng bigas sa bansa

Tiniyak ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na walang shortage o kakulangan sa suplay ng bigas sa merkado.

Sa panayam ng sonshineradio kay SINAG at Abono Partylist Founding Chairman Rosendo So, sinabi nito na ang gagawing importasyon ng bigas na 1.3 million metric tons ay hakbang upang mapunan ang rice production ng bansa.

Aniya, dumaan naman sa tamang konsultasyon at pag-aaral ang planong pag-aangkat ng bigas base sa pumasok na rice smuggling sa Pilipinas.

Dagdag pa ni So na kinakitaan din ng problema ang mga irrigasyon sa bansa upang mapunan ang mga pangangailangang ito kayat mahalaga napunan ang rice production ng bansa na umaabot lang sa 12 million metric tons.

Speak Your Mind

*