US Secretary of State John Kerry, hinikayat ang Israel at Palestine na magsagawa ng mas malinaw na pag-uusap

Hinikayat ni US Secretary of State John Kerry ang parehong Israel at Palestine na samantalahin ang nagaganap na tigil-putukan sa pagitan nila para magsagawa ng malinaw na negosasyon

Ayon kay Kerry, masyadong nang marami ang bilang ng mga nasasawi mula nang pumutok ang bakbakan sa pagitan ng Israeli Military at Palestinian militant group na Hamas.

Nagpadala na ng mga kinatawan ang Israel at Palestine sa Cairo Egypt na siyang tumatayong tagapamagitan sa dalawang bansa.

Layon ng pag-uusap na magkaroon ng mas mahabang tigil-putukan hanggang sa tuluyan nang maresolba ang girian sa pagitan ng Israel at Palestine.

Speak Your Mind

*