2 days Special Recruitment, isasagawa ng PESO para sa mga Repatriated OFW

Magsasagawa ang Pangasinan Provincial Employment and Services Office o PESO ng dalawang araw na special recruitment para sa mga Repatriated Overseas Filipino Workers o OFW na mula sa Syria, Iraq, Libya at Israel.

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, gaganapin ang recruitment sa Setyembre a-dose hanggang a-trese.

Isusulong ang aktibidad sa pamamagitan ng Migration and Development Council Secretariat ng PESO bilang suporta sa welfare, employment, livelihood, legal o well program ng department of labor and employment o dole.

Kaugnay nito ay nangako na ang ilang local at foreign companies sa PESO na makikiisa sa nasabing recruitment program.

Ang mga trabahong ia-alok ay gaya ng industrial pesonnel, medical workers, engineers, welders, miners, music teachers at system developers.

Speak Your Mind

*