Buwan ng Setyembre, idineklarang Pangasinan Tourism Month ng Sanggunian Panlalawigan

Idineklara ng Pangasinan Provincial Board ang buwan ng Setyembre bilang Pangasinan Tourism Month upang mapalakas ang tourism program ng probinsya.

Binigyan ng otoridad ng Sanggunian Panlalawigan ang tourism operations division mula sa tanggapan ng gobernador, para manguna sa pagpaplano at pagpapatupad sa mga angkop na aktibidad sa turismo.

Ang nasabing resolusyon ay pinangunahan ni Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim, Jr., kung saan ito umano ay may kaugnayan sa pag-obserba sa World Tourism Day na ipinagdiriwang tuwing Setyembre a-beynte syete, ayon sa deklarasyon ng United Nations World Tourism Organization.

Ayon pa kay Calimlim, ang pagkilala ng Pangasinan sa nasabing deklarasyon ay magpapamulat sa kaisipan ng mga Pangasinense at maitaas ang kamalayan sa social, cultural, political at economic values ng turismo.

Speak Your Mind

*