Ilang barangay sa Dagupan City, binaha na sinabayan pa ng high tide

May mga ilang barangay sa Dagupan City ang binaha dahil sa malakas na ulan at sinabayan pa ng high tide.

Ito ang kinumpirma ni City Disaster Risk Reduction Management Council o CDRRMC Head Ronald De Guzman.

Kabilang sa mga lugar na binaha ay sa barangay Tapuac, Lasip Grande, Bacayao Sur, Pantal at iba pa lalo na yung mga malapit sa ilog.

Inaasahan naman ni De Guzman na kaninang alas-nuebe ay huhupa ang baha sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, kanselado naman ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*