MTADP, maituturing na food security program ng provincial government

Mapalad ang Pangasinan dahil kabilang ang probinsya sa mga nabiyayaan ng P4 milyon na halaga ng Livestock Livelihood Loan Assistance Program.

Nakapaloob ang programa sa Medium Term Agricultural Development Program o MTADP ng Department of Agriculture o DA.

Ang MTADP ay itinuturing na food security program ng gobyerno na naglalayong labanan ang kahirapan at malnutrisyon.

Kaugnay nito ay nakatakdang pumirma sa Setyembre a-tres ng isang meMorandum of Agreement o MOA sina Gov. Amado Espino jr. at DA Regional Executive Director Valentino Perdido sa gaganaping ceremonial launching ng programa.

Ang MOA Signing ay gaganapin sa Pangasinan Development and Training Center sa bayan ng Lingayen.

—–

Pagpapatupad ng MTADP, mahigpit na imomonitor

Malawakang monitoring ang ipapatupad ng Pangasinan Provincial Government upang masigurong magtatagumpay ang Medium Term Agricultural Development Program o MTADP ng Department of Agriculture o DA sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Veterinary Office Oic Dr. Eric Jose Perez, na sa ilalim ng MTADP ay handa na nilang ipamahagi sa grupo ng mga magsasaka sa Pangasinan ang mga baboy, manok at kambing.

Ipatutupad ito sa pamamagitan ng “roll-over scheme”, kung saan ang magsasakang benepisaryo ay mapipilitang bayaran ang kanyang nautang na hayop.

Ipapasa ang bayad ng magsasaka sa isang kuwalipikadong benepisaryo na pipiliin naman ng LGU.

Dagdag ni Dr. Perez na malaking tulong ang programa ng DA sa mga magsasaka, gayundin sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang Livestock Production Program ng Provincial Government.

Speak Your Mind

*