Pangasinan Provincial Government, hinihikayat ang mga LGU’s na maging self- dependent

Hinihikayat ng Pangasinan Provincial Government ang mga Local Government Units o LGU na maging self-dependent sa pagbili ng relief goods na kanilang gagamitin tuwing may kalamidad.

Pinayuhan ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC spokesperson Avenix Arenas ang mga LGU na gamitin ang kanilang mga resources para maka-imbak ng mga relief goods para sa kanilang mga kababayan.

Nilinaw naman nito na tumutulong rin ang probinsya sa pamamahagi ng relief goods ngunit ang distribusyon ay sa mga evacuation centers lamang.

Speak Your Mind

*