San Roque Dam kailangang umabot ng 280 meters ang tubig, para masuplayan ang mga irigasyon

Mababawasan ang sakahan na maaabot ng irigasyon kung sakaling matapos ang pagbagyo at hindi umabot ang level na 280 meters sa San Roque Dam.

Ayon kay Engr. Virgilio Garcia, ang Principal Hydrologist ng National Power Corporation o NPC, kailangang umabot ng 280 meters ang tubig sa San Roque Dam hanggang sa Disyembre para masuplayan nito ang pangangailangan ng irigasyon.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang planta ay multi-purpose at prayoridad nito ang pagbibigay ng irigasyon.

Inaasahan na darating ang tag-ulan sa susunod pang mga buwan para ang madagdagan ang tubig upang maging sapat sapat ang suplay ng tubig ng irigasyon mula sa San Roque Dam.

Speak Your Mind

*