Tourism Summit and Skills Competition, tampok sa Tourism Month Celebration ng Pangasinan

Idineklara ng Provincial Government ang buwan ng Setyembre bilang Tourism Month upang mapalakas ang tourism industry ng Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa pag-obserba sa World Tourism Day na ipinagdiriwang tuwing Setyembre a-beynte syete ng United Nations World Tourism Organization.

Habang ang buong Pilipinas ay nagseselebra naman ng National Tourism Week sa huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Ma. Luisa Elduayan, nasa desisyon naman ng mga Local Government Unit o LGU’S kung paano ipagdiriwang at isusulong ang turismo sa lugar.

Tampok naman aniya sa selebrasyon ang kauna-unahang Tourism Summit and Skills Competition na lalahukan ng mga HRM at Tourism Student na gaganapin sa Narciso Ramos Sports Complex sa Septyembre a-beynte singko.

Speak Your Mind

*