Pagbabago sa kalusugan ng mga batang sasailalim sa 120-day feeding program ng Dagupan, imomonitor ng mga Barangay Nutrition Scholars

Patuloy na i-momonitor ng ilang Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa lungsod ng Dagupan kung may pagbabago ang mga malnourished children na isinasailalim sa supplemental feeding program.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 800 na mga bata ang beneficiaries ng feeding program ng City Government.

Bukod sa pagpapakain sa kanila ay bibigyan din sila ng purga at isasailalim sa medical check-up ng City Health Office sa kanilang mga barangay clinics.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, ang feeding programs ay malaking tulong upang masolusyunan ang problema ng malnutrisyon sa siyudad.

Naniniwala si Fernandez na sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong pangangalaga at tamang nutrisyon ng mga bata ay makakatulong ito na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Speak Your Mind

*