PNP Region 1, patuloy sa pagtanggap ng aplikasyon sa mga gun holders para sa Neuro exam

Tumatanggap pa rin ang PNP Region One ng aplikasyon ng mga gun holders na gustong sumailalim sa Neuro-psychiatric examination, drug test and tent prints. Ang mga nabanggit ay kinakailangan sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Ayon kay Police Senior Superintendent Angelito Dumangeng, ang Chief ng Regional Operations and Plans Division, ang Neuro-psychiatric exam ay isinasagawa dalawang beses sa loob ng isang araw, kada Martes at Huwebes sa Regional Health Service 1.

Isinasagawa ang Neuro exam umpisa alas-otso ng umaga hanggang ala-una y medya ng hapon. halagang 900 pesos ang bayad ng examinee.

Samantala, ang Regional Crime Laboratory Office ay bukas, bente kuwatro oras tuwing Martes at Huwebes para sa drug test at tent prints. kabuuang 500 pesos ang bayad para sa mga nabanggit.

Speak Your Mind

*