Police Cart Program ng Calasiao PNP, alay sa publiko

Ipinagtanggol ng Hepe ng Calasiao PNP ang pagkakaroon nila ng Police Cart dahil maraming nagsasabi na para silang nagtitinda ng fishball.

Ayon kay Supt. Satur Ediong, libre at paglalapit ng serbisyo ang kanilang iniaalay sa publiko sa pamamagitan ng Police Cart Program.

Aniya, kung may reklamo ang mamamayan ay hindi na ito kinakailangang pumunta pa sa kanilang istasyon, dahil nasa paligid lang ang pulis na handang gagabay at aantabay sa publiko.

Speak Your Mind

*