Ilang empleyado ng Alaminos City Government, ginawaran

Ilang mga empleyado ng Alaminos City Government ang pinarangalan dahil sa episyente nilang paggampana sa tungkulin para maging malinis, ligtas at maging kaaya-aya ang mamuhay sa lungsod.

Sa naganap na regular flag raising ceremony, pinangunahan ni Mayor Arthur Celeste ang pagpaparangal sa mga natatanging employees of the month.

Ang mga hinirang ay sina Traffic Enforcer Edgardo Soriano, Utility Worker Marissa Palecpec, Street Sweeper Roberta Soriano at Garbage Collectors Elgito Tugade, Alejandro Rallustian, Mario Umoso at Virgilio Boton.

Kasabay nito ay hinikayat rin ni Mayor Celeste ang iba pang empleyado na magpatuloy sa kanilang pagtratrabaho para sa ika-uunlad ng siyudad.

Speak Your Mind

*