Duterte, nilinaw na hindi ginagamit ang kampanya sa Federalism sa planong pagtakbo sa pagka-presidente

Nilinaw ni Davao City Mayor Rudy Duterte na hindi pangangampaya ang pagharap niya sa mga estudyante ng Lyceum Northwestern University sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Duterte, tanging layunin nya na mailahad ang alternatibong federal form of governance na makakatulong sa sitwasyon ng bansa ngayon kabilang na ang kaguluhan sa Mindanao.

Paliwanag pa ni Duterte na dahil malabo nang maipasa ang Bangsamoro Basic law o BBL ay posibleng sumiklab ang civil war o criminal war sa Mindanao.

Pinabulaan din ng alkalde ang isyu na umanoy ginagamit niya ang kampanya ng pederalismo sa kanyang planong pagtakbo sa pagka-Presidente sa halalan 2016.

Speak Your Mind

*