2 day Recruitment Activity, itinakda ng PESO para sa mga Pangasinense

Pinag-iibayo ng Provincial Employment Services Office (PESO) Pangasinan ang paghahanap ng trabaho sa ibayong dagat para sa mga Pangasinenses.

Ito’y sa pamamagitan ng dalawang araw na recruitment activity sa PESO Office, Alvear Street sa bayan ng Lingayen sa February 26 hanggang 27.

Bukas ang ilang posisyon gaya ng physical therapist, welder, barista, draftsman mechanical, telecom technician, business system analyst, office facilities engineer at iba pang trabaho sa Kindom of Saudi Arabia.

Samantalang sa United Kingdom naman ay may mga bukas na mapagta-trabahuan para sa mga registered nurses na may specialization sa accident and emergency, critical care, pediatrics, medical, surgical, theater, at oncology.

Sa mga naghahangad na mag-aplay ay pumunta sa PESO Office sa mga nabanggit na petsa at dalhin ang mga kinakailangang mga dokumento.

Samantala, mag-umpisa naman ang interview dakong alas otso ng umaga.

Speak Your Mind

*