Adopt a Marine Protected Area Project, inilunsad sa Alaminos City

Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang pinirmahan sa lungsod ng Alaminos para sa pagpapatupad ng Adopt a Marine Protected Areas (AMPA) Project.

Pumirma sa MOU sina Alaminos City Mayor Arthur Celeste, Philippine National Police – Maritime Group Regional Maritime Unit One sa pangunguna ni Police Senior Supt. Rico Pavonga at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Nestor Domenden.

Layon ng proyekto na hikayatin ang mga stakeholders na magkaisa para sa proteksyon at pangangalaga ng kayamanan sa katubigan, hindi lamang sa lungsod ng alaminos kundi sa buong bansa.

Kaugnay ng pagpapatupad ng proyekto ay isang working group ang bubuuin na siyang magpapaigting sa Fishery Law Programs and Strategies para sa lalong epektibong pangangalaga sa Hundred Islands National Park at iba pang Marine Protected Areas sa baybayin ng Alaminos.

Speak Your Mind

*