AFP at PNP, handa sa posibleng pagresbak ng mga Terorista

Tiniyak ng kapwa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kahandaan laban sa mga posibleng pag-atake ng mga kasamahan ng teroristang napaslang ng PNP SAF na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Resty Padilla, na nakahanda ang tropa ng militar sakali mang magsagawa ng retaliatory at sympathy attacks ang mga kasamahan ng napaslang na terorista.

Nabatid na maraming naging kasamahang rebelde si Marwan dahil sa kinukuha ang serbisyo nito sa paggawa ng mga pampasabog o Improvised Explosive Device o IED.

Ayon naman kay PNP- ARMM OIC S/Supt Noel Armilla, nakafull alert ang hanay ng pulisya sa lugar upang matiyak na di malusutan ng mga rebeldeng grupo.

DNA TEST?

Binigyang-diin ni PNP spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo na sapat nang basehan ang inisyal na resulta ng DNA test ng federal Bureau Of Investigation (FBI) ng Amerika para kumpirmahing patay na nga si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Ani Cerbo, layon ng isinasagawang pagsusuri na matiyak na patay na nga si Marwan.

Gayunpaman, siya aniya mismo ay naniniwalang patay na nga si Marwan.

Samantala, hindi pa naman masabi ng opisyal kung kailan mailalabas ang huling resulta ng DNA matching ng FBI.

Speak Your Mind

*