Basic Life Support and First Aid Training, isinasagawa ng PRC Pangasinan Chapter

Sumailalim sa Basic Life Support and First Aid Training ang ilang naghahangad na maging volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan Chapter.

Sinabi ni Rex Escaño ng PRC Pangasinan na kinakailangan ang nabanggit na pagsasanay upang malaman ng indibidwal ang dapat gawin sa panahon ng emergency para maisalba ang mahal sa buhay o kapwa.

Kasama sa itinuro sa mga lumahok ang proper bondaging, safety and blood services.

Ang nabanggit na pagsasanay ay kadalasang isinasakatuparan ng PRC-Pangasinan Chapter sa loob ng anim na araw para masigurong handang-handa na sa pagbibigay ng serbisyo ang kanilang mga magiging volunteers.

Speak Your Mind

*