Bawas sa presyo ng pangunahing bilihin, malabo na ayon sa DTI Pangasinan

Malabong magkaroon ngayon ng bawas sa presyo ng pangunahing bilihin lalo’t may nakaambang pagtaas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan Director Engr. Peter Mangabat.

Ayon kay Mangabat, noong bumaba ang presyo ng petrolyo ay walang paggalaw sa presyo ng mga bilihin, paano pa ngayon na may nakaambang pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Upang maprotektahan ang kapakanan ng mga konsumer ay mahigpit pa rin ang isinasagawang monitoring ng dti sa merkado upang masigurong walang lalabag sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.

Speak Your Mind

*