Biktima ng illegal recruiter sa Pangasinan, bumaba noong nakaraang taon

Tiniyak ng Provincial Employment and Service Office (PESO) ng Pangasinan na ligtas ang mga job seeker sa mga isinasagawa nilang jobfair laban sa mga illegal recruiter.

Ayon kay PESO Officer Alex Ferrer na isa ang jobfair sa mga programa ng tanggapan upang maiwasan ang mga illegal recruitment dahil dumadaan ito sa tamang mga proseso.

Sa mga jobfair maiiwasan ang mga illegal recruitment hindi lesinyado, at agad maniningil ng placement fee para sa agarang trabaho sa abroad.

Payo naman ni Ferrer sa mga job seeker na iwasan ang maghanap ng trabaho sa enternet, huwag basta maniniwala sa magandang offer na trabaho.

Noong nakaraang taon bumaba ang kaso ng mga nabibiktima ng illegal recruiter sa lalawigan na umaabot lang sa 40 kaso mula sa naitalang kaso na 70 noong 2013.

Paliwanang naman PESO na bunga ito ng programang inilunsad gaya ng Overseas Filipino Workers o OFW Desk at anti-illegal recruitment campaign.

Speak Your Mind

*