Disisyon hinggil sa disqualification case laban sa mayor ng Basista, hindi pa natatanggap ng Comelec

Wala pang natatanggap ang Commission on Elections (Comelec) Pangasinan na disisyon o abiso hinggil sa disqualification case sa Mayor ng basista, Pangasinan.

Ito ang kinumpirma sa sonshine radio ni Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas.

Nauna rito, lumalabas sa ilang pahayagan na nanalo si Jocelyn Perez sa kanyang isinampang  election protest laban sa nakaupong mayor ng Basista sa Comelec.

Mas lumakas umano ang tiyansa ni Perez na makaupo bilang mayor noong hindi umano nakatugon ang respondent na si Basista Mayor Manolo de Leon sa itinakdang limang-araw para mag-file ng kanyang Motion for Reconsideration.

Si Perez ay natalo sa pagka-mayor ng Basista sa naganap na halalan noong 2013.

Speak Your Mind

*