Fluvial Parade at 101 ways to use salt, tampok sa Asin Festival ng Dasol

Umaabot sa tatlumpong Bangka na ginanamit sa pangingisda ang tampok sa kauna-unahang Fluvial Parade sa Asin Festival ng Dasol, Pangasinan.

Pangunahing layunin umano nito na ipakita ang angking ganda ng Maasim River na isa rin sa pinagkukunang yaman ng mamamayan ng Dasol.

Kasabay nito nilibot ang mga panauhin sa pagawaan ng asin, upang makita ang proseso sa paggawa ng ipinagmamalaking produkto ng bayan.

Bukod dito, ipinagmalaki rin sa nasabing okasyon ang 101 pakinabang gamit ang asin kabilang na sa pagluluto, sa pampaganda at sa kalusugan.

Ikinagalak naman ng mga Asin Producer sa Dasol na patuloy na tinatangkilik ang kanilang produkto sa katuyan ay palaging ubos ang kanilang mga stock.

Speak Your Mind

*