Goat Capital ng Pangasinan, puntirya ng Bayambang LGU

Puntirya ng Bayambang LGU na maging goat capital ng lalawigan ng Pangasinan ang kanilang bayan.

Ito ang kinumpirma sa sonshineradio ni Municipal Agriculture Officer Mercedes Peralta kaugnay naman sa hangad ni Mayor Ricardo Camacho.

Para dumami ang kambing sa bayan ng Bayambang ay nagsasagawa ang Agriculture Office ng Farmers Livestock Training.

Sa kasalukuyan ay limang barangays ang sumasailalim sa training na kinabibilangan ng Ambayat First, Ambayat Second, Maragos, Buayaen at Warding.

Ayon kay Peralta, ang mga magsasaka sa lahat ng barangays ng Bayambang ay kanilang isasanay sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kambing.

Sinisiguro ng municipal agriculture office na bago mamigay ng kambing sa mga magsasaka ay alam na nilang mag-alaga ng kambing.

Sinabi ni Peralta na bukod sa mga magsasaka na benepisaryo sa kanilang Goat Dispersal Program ay kasama rin ang mga Out of SChool Youth (OSY).

Ito ay pagbibigay ng hanapbuhay sa mga OSY at karagdagang mapagkakakitaan naman para sa mga magsasaka.

Ito ay upang hindi lang umasa sa pagtatanim ng sibuyas at palay ang mga magsasaka sa nabanggit na bayan.

Speak Your Mind

*