Government Peace Panel Chief Negotiator, nanindigang hindi terorista ang MILF

Nanindigan si Government Peace Panel Chief Negotiator Professor Miriam Coronel-Ferrer na hindi terorista ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito’y sa harap ng akusasyon ni Senador Alan Peter Cayetano na may koneksyon umano ang ilang teroristang grupo sa mga rebelde sa bansa lalo na sa MILF.

Ayon kay Ferrer, wala sa listahan ng mga terorista mula sa Estados Unidos at European Council ang MILF.

Paglilinaw pa nito, ang New People’s Army (NPA) ang napasali sa listahan ng mga itinuturing na terorista.

Pero hindi umano ito nangangahulungang hindi na makikipag-usap ang pamahalaan sa NPA para sa ganap na kapayapaan dito.

Nito lamang Martes ng nagisa si Ferrer ni Cayetano matapos na hindi nito masagot ang katanungan kung nakikipagnegosasyon ba ang pamahalaan sa mga terorista.

Matatandaang, mahigpit ang polisiya ng pamahalaan maging ng ibang bansa na huwag makipag-usap sa mga terorista sa alinmang usapin.

Speak Your Mind

*