SOPA ni pangasinan Gov. Espino, ilalahad sa darating na lunes

Ilalahad ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr., ang kanyang State of the Province Address (SOPA) sa araw ng lunes, Pebrero a dise sais.

Bago ang SOPA ng gobernador ay magkakaroon muna ng thanksgiving mass dakong alas siyete ng umaga na pangungunahan ni Msgr. Manuel Bravo, ang Vicar General ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Sa alas nuebe naman ay magaganap ang 65th regular session ng 8th Sangguniang Panlalawigan Report on the State of the Province ni Gov. Espino.

Matapos ang SOPA ay magkakaroon ng courtesy call sa Gobernador at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

Ito ay kinabibilangan ng mga Congressmen, Mayor, Vice Mayors, Judges, Regional at Provincial Directors ng National Government Offices, Prosecutors, Financial Institutions, Deped, PNP, Media, NGO’S, People’s Organizations, Private Corporations, Public Utilities, mga estudyante, opisyal ng munisipyo, barangay officials at iba pa.

Speak Your Mind

*